Bagong PPA order, dapat na mapag-aralan muna ayon kay Sen. Koko Pimentel

Bukas si Senate Minority Leader Koko Pimentel na maimbestigahan ang bagong monitoring order na ipapatupad sa mga pantalan ng Philippine Ports Authority (PPA).

Sa bagong dagdag na container monitoring system ay inirereklamo ng mga business associations na binubuo ng mga importers, exporters at truckers ang duplication na gagawin ng PPA sa kasalukuyan nang ginagawa ng Customs at posibleng mauwi ito sa pagtaas sa presyo ng mga bilihin dahil sa dagdag na bayarin ng mga negosyante.

Giit ni Pimentel, hindi lang 17 katao kundi 17 business groups ang umaangal sa bagong PPA order at kung ganito karami ay dapat na pakinggan ang hinaing ng mga ito.


Dapat aniyang seryosohin ang babala ng mga business groups na tataas ang presyo ng kanilang mga produkto at ito ay balak na ipasa sa taumbayan.

Mahalaga aniyang mapag-aralan ito at maipaliwanag ng husto ng PPA ang bagong sistema at sa panig naman ng mga negosyante ay maipaunawa ang mga magiging dagdag na gastos.

Facebook Comments