Layong pagtibayin pa ang agarang pagtugon sa sakuna sa bayan ng San Nicolas, Pangasinan dahil sa itinalagang prepositioning facility na magsisilbing imbakan ng mga food at non-food items tuwing emergency mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Sa pamamagitan ng prepositioning facility, mas mabilis na maihahatid ang mga pangangailangan sa mga apektado ng kalamidad. May kapasidad itong mag-imbak ng 2,760 units ng relief goods,family food packs, ready-to-eat meals at non-food essentials sa oras ng pangangailangan.
Kasunod ng pagpirma ng kasunduan, isinagawa ang inspeksyon upang masigurong maayos ang imbakan at sumusunod sa mga pamantayan ng humanitarian warehousing at handa ang pasilidad sa relief operations.
Sa kabuuan, may 23 operational facilities o prepositioning areas sa rehiyon na handang maglingkod sa mga nangangailangan, kabilang ang itinatag sa San Nicolas na matatagpuan sa Regional Evacuation Center sa Brgy. Sta. Maria West.
Ayon sa lokal na pamahalaan, alinsunod ang proyekto sa pagpapabilis ng pagbibigay tulong sa mga residente ng bayan ng DSWD Region 1 at ng lokal na pamahalaan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣







