Manila, Philippines – Maglulunsad ang Philippine National Police ng bagong programa may kaugnayan sa rehabilitasyon ng mga nagsisuko sa oplan tokhang.
Ang program ay tatawaging LIFT o Life after Tokhang program na ilulunsad sa Lunes.
Ayon kay pnp spokesman chief supt dionardo carlos, katuwang nila sa programang ito ang Non-Government Organization na Life Rispondé Foundation Corporation na una nang naging partner na ng ibat ibang ahensya ng pamahalaan para maisailalim ang pilipinong adik na sa iligal na droga.
Sesentro anya ang programa sa community-based rehabilitation at outpatient recovery.
Target ng LIFT program ang nasa 1.3 million na drug user at pusher na nagsisuko noon sa higit 1 taong oplan tokhang.
Nilinaw naman ni Carlos na walang hahawakang pondo ang PNP para sa programang kundi lahat ng pondo ay magmumula sa NGO.
Naniniwala naman ang PNP na bukod sa drug rehabilitation at treatment kailangan din ang follow up recovery program para maiwasan nang bumalik pa sa dating bisyo ang mga drug addict.