Bagong programang nagbibigay ng ayuda, kasamang popondohan sa ilalim ng 2024 national budget

Tiniyak ni House Appropriations Committee Chairman at Ako Bicol Party-list Representative Elizaldy Co, na mapopondohan sa ilalim ng ₱5.768 trillion 2024 National Budget ang bagong programa ng pamahalaan na nagbibigay din ng ayuda.

Ang tinutukoy ni Co ay ang AKAP o Ayuda sa Kapos ang Kita Program.

Sabi ni Co, hiwalay ito sa mga social services na ibinibigay na ng gobyerno tulad ng Assistance to Individuals in Crisis Situation sa ilaim ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), libreng pagpapagamot, quality hospital care at libreng gamot sa mga mahihirap.


Paliwanag ni Co na sa ilalim ng AKAP, ay bibigyan ng 5,000 ayuda ang mga tinatawag na ‘near poor’ o mga kumikita ng ₱23,000 o mas maliit pa kada buwan tulad ng construction worker, driver, factory worker at iba pa.

Binanggit ni Co, na nasa 12 milyong kabahayan ang target na maging benepisaryo ng programang AKAP.

Facebook Comments