Pag-uusapan ngayong araw ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang panibagong protocol na siyang ipatutupad sa pagpapauwi sa locally standed individuals (LSIs).
Ayon kay Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque, tatalakayin ng Task Force ang posibilidad na maaari nang pauwiin ang mga ito sa kani-kanilang tahanan upang doon na lamang maghintay ng resulta ng Polymerase Chain Reaction (PCR) test sa halip na silay i-quarantine ng receiving Local Government Units (LGUs).
Base kasi sa mga naunang ipinairal na protocol, ang kailangan lamang sa isang LSI ay makakuha ng health certificate at maaari na itong makauwi sa kanilang tahanan pero may kapangyarihan din naman sa kabilang banda ang receiving LGUs na isailalim sa testing at i-quarantine ang LSIs.
Ngunit sa magiging pagpupulong ng IATF ngayong araw, sinabi ni Roque na baka pwedeng sa bahay na lang maghintay ang isang LSI at doon na lang nito hintayin ang resulta ng kanyang PCR test.