Isa sa ipagpapatuloy ng bagong talagang Provincial Assessor ng Pangasinan ang patuloy ding pag-imbentaryo sa lahat ng pagmamay-ari ng lalawigan.
Nito lamang Lunes, ika-13 ng Pebrero pormal nang idineklara ng Sangguniang Panlalawigan ang bagong Provincial Assessor ng Pangasinan na si Atty. Geronimo Abad matapos isinagawa ang question hour at confirmation of appointment nito.
Sa naging panayam ng IFM Dagupan, sinabi ni Abad na patuloy umano niyang isasagawa ang inventory sa lahat ng mga pagmamay-ari ng probinsya at sa lahat ng mga assets na walang dokumento gay ana lamang ng mga lupa ay ilalakad ng kanyang pamumunuan at bibigyan ng prayoridad dahil mahalaga ang mga ganitong dokumento ng probinsya.
Ayon pa sa kanya, nagsagawa umano ang assessors office ng inventory noong 2017 at ngayon ay kanyang ipagpapatuloy at kung mayroon pa umanong hahanaping mga property ay kanilang paiigtingin.
Dagdag pa niya ito rin aniya ang direktiba at marking orders ng gobernador na gawin ang inventory sa lahat ng assets.
Isa din sa tututukan nito at isa sa mga magiging inobasyon ng opisina ang computerization upang maging mabilis ang mga transaksyon dahil nabanggit nitong manual ang opisina ng assessor’s office.
Aniya, sa susunod na taon, maiimplementa ang naturang pagbabago sa opisina. |ifmnews
Facebook Comments