BAGONG PULIS | 76 sa 106 na nagtapos sa PNPA Maragtas Class of 2018, nanumpa na bilang bagong police officer

Manila, Philippines – Nanumpa na agad ang 76 sa 106 na bagong graduates ng
PNPA Maragtas Class 2018 na piniling pumasok sa PNP.

Ang kanilang panunumpa ay pinamunuan mismo ni PNP Chief PDG Ronald Bato
Dela Rosa PNPA Academy sa Silang, Cavite.

Kabilang sa mga bagong pulis na ito ang 27 pitong taong gulang na si Police
Cadet Fritz John Napalinga Vallador sa Kabangkalan City Negros Oriental, na
siyang Class Valedictorian.


Una nang hinikayat ni Dela Rosa si Vallador at ang mga ibang mag-pupulis sa
top 10 ng Maragtas Class na pumasok sa Special Action Force.

Ayon sa PNP chief, ang pagpasok ng mga pinakamagagaling na kadete sa SAF ay
magbibigay pa sa kanila ng karagdagang kasanayan upang mas maging
matagumpay sa kanilang career bilang mga pulis.

Kaugnay nito lahat ng bagong graduate ng PNPA na papasok sa PNP, BJMP at
BFP ay itinalaga sa permanenteng posisyon na may ranggong inspektor.

Facebook Comments