Posibleng sa araw ng Biyernes ay maipamahagi na ng Cotabato City Government ang bagong qurantine pass pati na ang workers pass na ipamamahagi sa mamamayan ng syudad kaugnay ng nagpapatuloy na community quarantine sa gitna ng COVID-19 crisis.
Sa panayam ng DXMY kay City Administrator Dr. Danda Juanday, hindi naging epektibo ang naunang ipinamigay dahil inabuso ito ng ilang mga residente.
Anya marahil ay nakalimutan ng marami ang tunay na dahilan kung bakit kinailangang magpatupad ng community quarantine sa syudad.
Sa pagkakataong ito, inaasahang malilimitahan na ang movements o paglabas ng bahay ng mga Cotabateños sa bagong quarantine pass kasi na ipamamahagi ng lokal na pamahalaan ay nakasaad kung anong oras at araw lamang sila maaring lumabas ng kanilang tahanan upang mamili ng mga kakailanganin nila.
Sa usapin naman ng workers pass, ipinaliwanag ni Dr. Juanday na hindi indibidwal ang pagkuha nito, kailangang ang management o head of office ang magre-request nito para sa kanyang mga tauhan.
Halimbawa anya, sa mga grocery store, dapat ay ang mga may-ari ang mag-request ng wokers pass para sa kanilang mga tauhan, dapat din na magtalaga lamang ng skeletal force at dapat ay mga taga Cotabato City din.(Daisy Mangod)