Manila, Philippines – Naniniwala si Philippine Navy Vice Admiral Joseph Ronald Mercado na malaking tulong ang bagong Aerostat Radar System na donasyom ng Amerika bilang bahagi ng advance equipment program ng Philippine Navy.
Ayon kay PN Vice Adm. Mercado ang 28M Class Tethered Aerostat Radar System ay mabilis agad makasasagap ng impormasyon sa himpapawid kung mayroong nagpaplanong maghasik ng terorismo sa bansa.
Aniya sa pamamagitan ng naturang radar, mapalalakas na ang kapabilidad ng Maritime Intelligence Surveillance and Reconnaissance sa pamamagitan ng epektibong made-detect ang maritime at air traffic sa bansa.
Magagamit din sa mga nangyayaring kalamidad sa pamamagitan ng Humanitarian Assistance and Disaster Response operations.
Ang TARS o Tethered Aerostat Radar System kasama rito ang weather station na makapagbigay ng telemetry data upang maka-monitor ng temperature, pressure, at wind speed.
Paliwanag ni Mercado na ang naturang donasyon ay bahagi ng US Maritime Security Initiative o MSI capacity building assistance program para sa South Asian Country kabilang ang Pilipinas na ang layunin ay upang maiangat ang kanilang abilidad na matugunan ang problema sa seguridad ng bansa.