MANILA – Base sa satellite image mula sa Amerika na kuha ng Asia Maritime Transparency Initiative (AMTI), isang radar tower ang naitayo sa mga Reef ng Gaven, Hughes, Johnson South at Cuarteron sa Spartlys.Sa pamamagitan nito, mas mababantayan ng China ang karagatan at himpapawid ng buong South China Sea.Nabatid na ang konstruksyon sa Cuarteron o Calderon Reef sa Kalayaan, Palawan ay malapit na ring matapos.Sa kabila ng sunud-sunod na inihaing diplomatic protest ng Pilipinas laban sa China, patuloy ang pagkilos ng Beijing na palawakin ang kanilang kontrol sa pinag-aagawang teritoryo.
Facebook Comments