Bagong rate hike sa taxi, inaprubahan na ng LTFRB

Manila, Philippines – Inilabas na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang bagong sistema ng singilan sa pasahe ng taxi.

Sa desisyon ng ahensya, balik na sa P4O ang flagdown rate.

P3.50 sa kada-succeeding 300 meters at P3.50 sa bawat dalawang minutong waiting time.


Pero nililinaw ni Atty. Aileen Lizada, spokesperson ng ahensya na hindi pa ito epektibo.

Kailangan pa aniya ng publication, re-calibrate resealing sa mga metro.

Kasabay nito ay tiniyak ng ahensya na hindi magtataas ang mga operator sa kanilang boundary.

Facebook Comments