BAGONG RECORDING ARTIST | Ogie Alcasid, emosyonal sa pagpasok ng kanyang anak sa music industry

Manila, Philippines – Naging emosyonal ang singer/composer na si Ogie Alcasid sa pagpasok ng kanyang anak sa industriya ng musika.
Pormal na ngang ipinakilala kahapon ng Star Music si Leila Alcasid bilang bago nilang recording artist.
Say ni Leila, matagal na niyang pangarap na sundan ang yapak ng kanyang ama na tinitingala sa larangan ng OPM.
Umaasa siya na makakagawa rin siya ng kanta kasama si Ogie.
Proud na proud naman si Ogie sa kanyang anak kung saan daw niya nakikita ang kanyang sarili noong nagsisimula pa lang siya sa industriya.

Facebook Comments