Bagong resort sa Palawan, halos 5 milyon piso ang one-night stay!

BUKAS na sa publiko ang Banwa Private Island, ang itinuturing na pinakamahal na resort sa buong mundo na matatagapuan sa Roxas, Palawan. Ang one-night stay dito ay nagkahahalaga ng humigit kumulang limang milyon piso.

48 na katao ang kayang i-accommodate ng resort at mapupuntahan lang ito sa pamamagitan ng eroplano at helicopter. Makikita sa lahat ng mga kwarto ang puting buhangin, kulay asul na dagat, at magagandang tanawin ng bayan. Ang mga pagkain dito ay galing mismo sa kanilang organic farm.

Ngunit umalma ang mga netizens sa nabanggit na presyo. Ang ilan sa kanila sinasabi na hindi ito makatarungan at baka daw ginto ang ihahain na pagkain sa mga guests. Meron din nagpahayag na hindi daw magtatagal at magsasara rin ang nasabing resort.


Facebook Comments