Ipinagkibit-balikat lamang ng Lacson-Sotto tandem ang bagong resulta ng pre-election survey ng Pulse Asia tungkol sa mga presidential at vice presidential candidates.
Ayon kay Lacson, ang totoong survey naman ay ang mangyayari sa May 9 eleksyon kung saan malalaman ang totoong survey sa naturang araw.
Paliwanag pa ni Lacson na hindi rin niya napigilan na mag-react sa datos ng Pulse Asia survey kung saan lumalabas na na-zero siya sa Visayas at sa Mindanao na hindi ito kapani-paniwala.
Sa panig naman ni Sotto na hindi dapat iisa o dalawang survey lang ang tinitingnan, na aniya ay hindi naman nagbago ang resulta.
Aniya ang dapat tingnan ay ang overall data at maging ang mga regional surveys.
Binigyangn diin rin ni Sotto na hindi dapat paniwalaan agad ang sinasabi ng iba at mainam na mag-research ng husto tungkol sa mga kandidato.
Ngayong araw, mga taga-Southern Metro Manila at Katimugang Luzon ang sinuyo ng Lacson-Sotto tandem.