Bagong San Lorenzo Ruiz General Hospital, pormal nang binuksan ngayong araw sa Malabon

Mas pinahusay na serbisyong medikal ang handog ngayon ng San Lorenzo Ruiz General Hospital matapos itong pormal na buksan bilang isang Level 2 General Hospital ngayong araw.

Ang bagong ospital ay may anim na palapag at kayang tumanggap ng 200 pasyente. Mayroon itong mga operating room, labor room, ICU, emergency room, at maluwag na lobby.

Kumpleto rin ito sa mga gamit gaya ng x-ray, ultrasound, CT scan, MRI, at laboratoryo.

Bilang isang Level 2 hospital, may mga espesyal na serbisyo ito para sa:
• Internal Medicine
• Pediatrics
• OB-Gyne
• Surgery
• Anesthesiology

Malapit na ring dumating ang mga modern equipment tulad ng digital fluoroscopy at C-arm na magagamit sa mga mas mahihirap na gamutan.

Nag-umpisa ang ospital noong 1990 bilang maliit na municipal hospital, naging Women’s Hospital noong 1998, at ngayon ay ganap nang general hospital.

Kilala rin ang ospital bilang PhilHealth-accredited, ISO-certified, at Red Orchid Hall of Fame awardee dahil sa mataas na kalidad ng serbisyo.

Facebook Comments