BAGONG SASAKYAN PARA SA EMERGENCY RESPONSE, INILAAN SA MGA BARANGAY SA SISON

Pinalakas ang kakayahan ng mga barangay sa Sison, Pangasinan sa pagtugon sa mga emerhensiya matapos ipamahagi ang limang bagong service vehicles na nakatakdang gamitin sa mabilis na pagresponde sa mga agarang pangangailangan ng komunidad.

Isinagawa ang turnover ng mga sasakyan sa municipal hall, kung saan tinanggap ang mga ito ng lokal na pamahalaan at mga kinatawan ng iba’t ibang tanggapan.

Layunin ng mga sasakyan na tugunan ang araw-araw na pangangailangan sa transportasyon ng mga barangay, lalo na sa mga insidente ng sakuna, medikal na emerhensiya, at iba pang hindi inaasahang sitwasyon.

Ayon sa lokal na pamahalaan, inaasahang makatutulong ang karagdagang mga sasakyan upang mas mapabilis ang paghahatid ng tulong at serbisyo sa mga residente, lalo na sa mga oras na kritikal ang agarang aksyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments