Bagong SBMA chair Wilma Eisma, nanindigang malinis siya sa isyu ng korapsyon; Hirit niya, baka ang pinalitang chairman ang mayroon!

Manila, Philippines – Nanindigan ang bagong chairperson at administrator ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) na si Atty. Wilma Eisma na malinis siya sa isyu ng korapsyon.

Kaugnay ito ng sinabi ni dating SBMA chairman Martin Diño na kaya siya sinibak ay dahil sa natuklasan niyang korapsyon sa SBMA.

Ayon kay Eisma –hindi man siya mayaman, mayroon siyang magandang pinag-aralan at mas pinangangalagaan niya ang pangalan ng kanyang mga magulang.


Banat ng opisyal, hindi sisibakin si Diño ni Pangulong Rodrigo Duterte sa SBMA nang walang rason at matibay na ebidensya.

Aniya, kung ang ipinapakita ni diño na siya ay inosente at hindi sangkot sa anumang anomalya, ibig sabihin lang ay pinapaboran ng Pangulong Duterte ang korapsyon.

Facebook Comments