Pinasinayaan kahapon ang bagong two-storey building na may walong classrooms sa David National High School sa bayan ng Mangaldan.
Gagamitin ang naturang pasilidad ng mga mag-aaral na nasa ika-8 at 10.
Ang naturang proyekto ay pinaglaanan ng mahigit PHP 19 milyong piso na mula sa pondo ng Kagawaran ng Edukasyon at pakikipagtulungan sa opisina ni 4th District of Pangasinan, Congressman Christopher ‘Toff’ De Venecia.
Ayon kay De Venecia, Sana ay alagaan ito ng mga mag-aaral para sa kanilang kinabukasan na may kaakibat na responsibilidad para sa pagpapalawak ng kanilang kaisipan, pagkamalikhain at inobasyon.
Dagdag pa niya, posible rin itong magamit bilang evacuation areas sa oras ng sakuna.
Samantala, malaki naman ang pasasalamat ng mga guro at mag-aaral dahil mas magiging komportable ang mga ito sa pag-aaral. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨