Bagong segment ng TPLEX, planong buksan sa unang bahagi ng 2020

Mas mapapabilis na ang biyahe papuntang Baguio City.

Ito ay dahil sa nakatakdang pagbubukas ng bagong segment ng Tarlac-Pangasinan-La Union Expressway o TPLEX sa unang bahagi ng 2020.

Ayon kay DPWH Secretary Mark Villar – ang Sison, Pangasinan-Rosario, La Union segment ay nasa trial run.


Makakatulong aniya ang proyekto upang mapaluwag ang trapiko sa Manila North Road hanggang Kennon Road patungo sa Baguio.

Ang 89.3 kilometer TPLEX project ay mula Tarlac City hanggang Rosario, La Union.

Facebook Comments