Manila, Philippines – Manunumpa na si bagong Tourism Sec. Bernadette Romulo-Puyat kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Alas-7:00 mamaya nakatakdang manumpa si Puyat kay Pangulong Duterte sa Palasyo ng Malacañan.
Matatandaang si Puyat ang ipinalit ng Pangulo kay Sec. Wanda Tulfo-Teo na nagbitiw dahil sa kuwentiyonableng 60 million Advertisement Contract ng Dept. of Tourism at PTV-4 na napunta umano sa media production ni Ben Tulfo, kapatid ng kalihim.
Si Puyat ay dating Agriculture Undersecretary bago i-appoint ni Pangulong Duterte sa bago nitong posisyon.
Facebook Comments