BAGONG SEKRETARYA | Tourism Sec. Puyat, manunumpa na kay Pangulong Duterte

Manila, Philippines – Manunumpa na si bagong Tourism Sec. Bernadette Romulo-Puyat kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Alas-7:00 mamaya nakatakdang manumpa si Puyat kay Pangulong Duterte sa Palasyo ng MalacaƱan.

Matatandaang si Puyat ang ipinalit ng Pangulo kay Sec. Wanda Tulfo-Teo na nagbitiw dahil sa kuwentiyonableng 60 million Advertisement Contract ng Dept. of Tourism at PTV-4 na napunta umano sa media production ni Ben Tulfo, kapatid ng kalihim.


Si Puyat ay dating Agriculture Undersecretary bago i-appoint ni Pangulong Duterte sa bago nitong posisyon.

Facebook Comments