Manila, Philippines – Posibleng mailipat na ang tanggapan ng senado sa Fort Bonifacio, Taguig sa Enero 2021.
Ayon kay Senador Panfilo Lacson, limang kumpanya ang magtutunggali para sa disenyo ng bagong senate building.
Ani Lacson, lahat ay nasa tamang schedule kaya umaasa siya na sa pagbukas ng 18th congress ay hindi na sila nagrerenta at nasa bagong gusali.
Inatasan ang limang kumpanya na isumite ang kanilang conceptual design ng ‘bagong senado’ sa May 18.
Ang mga disensyo ay pag-aaralan ng technical evaluation committee na binubuo ng senado, Bases Conversion and Development Authority (BCDA), Department of Public Works and Highways (DPWH) at mga eksperto sa arkitektura, interior design, environmental planners maging sa kultura at sining.
Posibleng masimula ang konstruksyon ng bagong legislative building sa January 2019 at matatapos ng December 2020.