Ikinagulat ng mga residente sa Barangay Kulawit, Atimonan, Quezon ang hitsura ng isang baka na ipinanganak noong Mayo 28.
Mapapansin sa kuhang litrato ni Michael Santander na iisa lamang ang mata at walang ilong ang hayop. Ang baka ay pinangalanang “One Eye” dahil sa kakaibang kondisyon nito.
Kuwento ng uploader, pagmamay-ari raw ng kaniyang kapitbahay si “One Eye” na agad daw humingi ng saklolo sa agricultural office ng pamahalaang bayan.
Subalit pumanaw ang baka pagkaraan ng limang araw.
Ayon sa mga dalubhasa, ang kalagayan ng hayop ay tinatawag na cyclopia.
“It is a rare birth defect that occurs when the front part of the brain doesn’t cleave into right and left hemispheres. The most obvious symptoms of cyclopia is single eye or partially divided eye. A baby with cyclopia (whether mammals or human) usually has no nose but a proboscis (a nose-like growth) sometimes develops above the eye,” paliwanag ng website na healthline.com