Bagong silang na kambal, patay nang balutin ng kumot ng nanay

6408

MISSOURI, United States — Arestado ang isang nanay sa pagpatay sa kanyang bagong silang na kambal at pagsisinungaling sa pulisya tungkol dito.

Sinabi ni Maya Caston, 25, sa St. Louis County police noong Enero 8 na biglaan siyang nag-labor at patay ang dalawang sanggol nang lumabas ito.


Wala nang buhay nang madatnan ng awtoridad ang sanggol na lalaki at babae, ayon sa ulat ng KSDK.

Ngunit lumabas sa imbestigasyon na full term na at walang stillborn sa kambal, base sa dokumento ng korte.

Nakasaad sa dokumento na tinakpan ni Caston ang bibig at ilong ng mga sanggol gamit ang towel at kumot hanggang sa ma-suffocate.

Bagaman tinitingnan din ang posibilidad na medikal ang ikinamatay ng mga bata, sinabi ng pulisya na kahina-hinala ang insidente.

Inaresto noong Linggo si Caston na nakakulong sa dalawang kaso ng second-degree murder at abuse or neglect of a child.

Facebook Comments