BAGONG SILANG NA SANGGOL INABANDONA SA STO DOMINGO, ILOCOS SUR

Isang bagong silang na lalaking sanggol ang natagpuang inabandona sa Brgy. Casili, Sto. Domingo, Ilocos Sur.

Ayon sa report, natagpuan ng nagngangalang “Judeth” ang sanggol nang mapadaan ito sa nasabing lugar at narinig ang iyak nito.

Isinilid ang sanggol sa isang plastic bag saka iniwan sa madamong bahagi ng kalsada.


Agad dinala ng nasabing babae ang sanggol sa Rural Health Unit ng Sto. Domingo at ngayon ay nasa maayos nang kalagayan.

Patuloy paring inaalam ng mga otoridad kung sino at bakit inabandona ang nasabing sanggol.###

Facebook Comments