BAGONG SILANG NA SANGGOL, INIWAN SA ISANG SITIO SA ASINGAN

Natagpuan ng isang magsasaka ang isang bagong silang na sanggol na iniwan sa bahagi ng Sitio Cabaruan, Barangay Bantog, Asingan.

Bandang alas singko bente nwebe ng hapon ng September 15, 2025 nang makita ng magsasaka ang sanggol kung saan balot pa ito ng tissue at nakakabit pa sa katawan ang umbilical cord nito.

Agad naman itong dinala sa Asingan Community Hospital para mabigyan atensyon ang kalusugan nito.

Sa ngayon ay wala pang magulang o kamag-anak ang lumalantad para kilalanin o angkinin ang sanggol.

Nananawagan ngayon ang awtoridad sa mga magulan o kamag-anak o kahit sino na makapagpapaalam sa pinagmulan ng sanggol na ngayon ay nasa pangangalaga muna ng National Authority for Child Care – Regional Alternative Child Care Office 1. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments