Bagong Silang na Sanggol, Nakitang Palutang-lutang sa Ilog!

138

Cauayan City, Isabela- Isang bangkay ng bagong silang na sanggol ang nakitang palutang-lutang sa ilog sa bahagi ng Brgy. Buenavista, Santiago City.

Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay PCpl Joey Licud, imbestigador sa nangyaring insidente, dakong alas 1:30 ng hapon kahapon habang naliligo sa ilog ang 9 anyos na bata na si King Omar Nogoy, grade 1 student na residente rin sa naturang lugar kasama ang mga kaibigan nang bigla umanong may naramdaman na bumangga sa kanyang likod at nang tignan umano nito ay isang bangkay ng sanggol na lalaki.


Agad na isinumbong sa mga opisyal ng barangay ang pangyayari na inireport din sa himpilan ng pulisya.

Ayon pa sa imbestigador, inilibing na sa Santiago City public cemetery ang naturang sanggol habang patuloy ang kanilang isinasagawang imbestigasyon upang matukoy ang ina o suspek na nagtapon sa sanggol.

Facebook Comments