BAGONG SILANG NA SANGGOL NAWAWALA SA LINGAYEN COMMUNITY HOSPITAL

Isang bagong silang na sanggol ang naiulat na nawawala sa Lingayen Community Hospital matapos umanong makuha ng isang hindi pa nakikilalang babae na nagpanggap na nurse. Ayon sa pamilya, inakala ng bagong panganak na ina na bahagi ito ng staff at ipinagkatiwala ang sanggol, ngunit hindi na ito muling nakita.

Nabatid ng pamilya na walang CCTV sa ospital dahil ito umano ay nakatakdang i-demolish. Wala ring security guard na naka-duty nang mangyari ang insidente, at walang beripikasyon sa paglabas ng pasyente.

Nanawagan ang pamilya ng agarang aksyon at imbestigasyon sa umano’y kapabayaan ng ospital. Ipinahayag din nila ang pagkadismaya sa hindi maayos na pakikitungo ng ilang staff. Hinala ng pamilya, posibleng may kaugnayan sa loob ang insidente.

Ang nawawalang sanggol ay unang anak ng mag-asawa at ilang araw pa lamang mula nang ipanganak. Patuloy ang panawagan para sa anumang impormasyon na makakatulong sa paghahanap. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments