Bagong silang na Sanggol ng dating miyembro ng NPA, Kinilalang si ‘Baby SALAKNIB’

Cauayan City, Isabela-Nagsilang ng kanilang unang anak ang mag-asawa na dating miyembro ng New People’s Army sa itinayong ‘Happy Ville’ ng 95th Infantry Battalion sa bayan ng San Mariano, Isabela.

Ayon sa ulat, napaanak ng maaga sa kampo ng military ang ginang na itinago sa alyas Jenny bago pa man ito maisugod sa ospital sa nasabi ring bayan.

Hindi naman maialis ang sobrang tuwa sa mga magulang ng bata na kanila namang pinangalanan na ‘Baby Salaknib’ na hango sa katawagan ng batalyon ng sundalo.


Matatandaang sumuko sa nakalipas na buwan sa mga otoridad ang mga magulang ni Jenny na sina alyas Joan at Bunso na dating platoon kumander ng tribong Agta.

Nais naman ng mga sundalo at pulisya para sa bagong silang na sanggol ay ang magkaroon ng takot sa diyos at makamit ang mga pangarap ng mismong magulang nito para sa kanilang itinuturing na biyaya ng maykapal.

Facebook Comments