Umaasa si Pangulong Rodrigo Duterte na magsilbing inspirasyon sa publiko ang Easter o Pasko ng Pagkabuhay ng Panginoong Hesukristo.
Sa kanyang mensahe, sinabi ni Pangulong Duterte na ang Easter ay sumisimbulo ng bagong simula pagkatapos ng paghihirap ngayong pandemya.
Magsilbi rin sanang gabay sa lahat ng Pilipino ang Easter tungo sa magandang kinabukasan.
Para naman kay Vice President Leni Robredo, hiling niya ang magkaroon ng “better normal.”
Sa kanyang mensahe, ang pananampalataya, pag-asa at pag-ibig ang nagpapatibay sa mga Pilipino para malagpasan ang mga hamon.
Aniya, ito ang nagpapatatag at nagpapakalas sa mga Pilipino na makatawid sa kasalukuyang kalbaryo.
Hiling din ni Robredo na panatilihin ang bayanihan spirit lalo na sa pagtulong sa mga mahihirap.