Sa layuning maging maayos ang pamamalakad sa organisasyon, sumasailalim sa mandatory training ang mga uupong Sangguniang Kabataan (SK) officials sa North Cotabato.
Sinabi ni LGCCD DILG-12 OIC Chief Theresa Bautista, ang mandatory training ay alinsunod sa isinasaad ng SK Reform Act of 2015.
Ayon kay Bautista, kailangang sumailalim ang lahat ng uupo sa puwesto bilang mga SK officials upang mabigyan sila ng sapat na kaalaman sa kanilang mga tungkulin bilang halal na opisyal.
Sa training at may kinumbidang speakers ang DILG na magpapaliwanag sa SK officials hinggil sa resolution, meetings, planning and budgeting na mahalagang matutunan ng kabataan, tinalakay din ang mga bagay na dapat at hindi dapat gawin bilang opisyales ng SK.
Halos magkakasunod ang pagbibigay ng mandatory training sa iba’t-ibang munisipyo sinabi pa ng opisyal na magtatagal hanggang ngayong araw ng Sabado, May 26.
Umaasa naman ang DILG na lalo pang magiging determinado at masigasig ang SK matapos ang kanilang mandatory training at magiging aktibo sa mga programa at proyektong angkop sa kabataan.
Tulad ng elected Barangay officials, pormal na ring uupo sa puwesto ang SK officials sa July 1, 2018.
Bagong SK officials sa North Cotabato, sumasalang sa mandatory training!
Facebook Comments