Bagong slogan ng Department of Tourism na “Experience the Philippines”, inilunsad

Manila, Philippines – Inilunsad ng Department of Tourism ang kanilang bagong slogan na “Experience the Philippines.”

Pero paliwanag ni DOT Spokesperson Asec. Frederick Alegre, mananatili pa rin naman ang dati nilang slogan na “It’s More Fun in the Philippines”.

Ayaw muna aniya nilang gamitin ang salitang “fun” dahil sa nagpapatuloy na kaguluhan sa Marawi.


Kasabay nito, inamin si Alegre na maraming turista ang nagkansela at nagparebook ng kanilang bakasyon sa bansa.

Sinabi naman ni DOT Secretary Wanda Corazon Teo, na gusto nilang ipakita sa kanilang bagong video ad, hindi lang ang magagandang tanawin sa bansa, kundi maipakilala rin ang mga pinoy.
DZXL558

Facebook Comments