Bagong species ng tao sa Pilipinas, iprinisinta sa Australian National University

Iprenisinta nina University of the Philippines-Archaeological Studies Program professor Armand Mijares at Australian National University-School of Archaeology professor Philip Piper ang natuklasang bagong species ng tao na Homo Luzo-nensis o sinaunang tao sa Pilipinas sa ginanap na public lecture sa Cultural Centre Kambri sa Australian National University.

 

Ayon sa DFA, Mahigit siyam na pung (90) tao kabilang ang mga estudyante, professors, scientists, archaeologists at researchers ng Australian National University at miembro ng Filipino-Australian community ang dumalo sa lecture, at natutunan ang tungkol sa kahalagahan ng pagtuklas na ito sa kaalaman sa evolution ng hominin sa Timog-silangang Asya.

 

Sina Professors Mijares at Piper ang nagsulat ng pag-aaral na ito na itinampok sa international media at nasa cover  ng prestihiyosong scientific journal Nature.


 

Ang discovery o pagtuklas ay naglagay sa Pilipinas sa global archaeological map.

 

Sinabi ni Ambassador to Australia Ma. Hellen De La Vega, kinikilala na kailangan nating pagyamanin ang higit na interes sa science and innovation  at suportahan ang ating mga researcher o mananaliksik sa Pilipinas sa kanilang mga pagsisikap.

 

Nadiskubre ang mga buto sa tulong ng grupo ng scientist at archeologist ng UP noong 2003 hanggang 2007 sa Callao Cave sa Cagayan province na pinaniniwalaang nabuhay halos pitumpung taon na ang nakalipas.

Facebook Comments