Nagkasundo na ang consumer affairs ng Department of Agriculture (DA) at mga stakeholder na magkaroon ng suggested retail price (SRP) sa sibuyas.
Ayon kay DA Spokesperson Kristine Evangelista, ₱150 ang magiging SRP ng pulang sibuyas habang ₱140 para sa puting sibuyas.
Kung maaaprubahan ngayong linggo ay agad itong ipatutupad sa Lunes.
Kasalukuyang naglalaro sa ₱160 hanggang ₱200 ang presyo ng kada kilo ng sibuyas sa mga pamilihan sa Metro Manila.
Facebook Comments