Bagong strain ng COVID-19 na mabilis na kumalat sa United Kingdom, wala pa sa bansa; Travel restrictions sa Pilipinas, hindi pa kailangan ayon sa DOH

Kinumpirma ngayon ng Department of Health (DOH) na wala silang nakikitang bagong strain ng virus na nagdudulot ng COVID-19 sa bansa.

Ito ang pagtitiyak ng DOH kasunod ng natuklasang bagong strain ng virus sa United Kingdom na itinuturing na “out of control” ng kanilang health department dahil sa mabilis na mutation o pagkahawa sa mga taong walang COVID-19.

Sa pressconference, Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, wala pang nakikita ang Research Institute for Tropical Medicine (RITM) na bagong strain ng COVID-19 na maaaring makahawa sa tao sa ating bansa.


Sa kabila nito, tiniyak ni Vergeire na hindi nagpapabaya ang mga otoridad at patuloy ang maigting na pagbabantay sa sitwasyon ng COVID-19 sa bansa lalong lalo na sa mga pumapasok sa Pilipinas.

Pero, sinabi ng opisyal na hindi na kailangang pang magpatupad ng travel restrictions sa bansa partikular sa mga pumapasok na diplomats, mga negosyante at returning OFWs.

Nabatid na nagpatupad na ang ilang mga bansa ng travel restriction sa United Kingdom dahil sa bagong strain ng COVID-19.

Kabilang sa mga bansang nagpatupad ng travel ban ay ang mga sumusunod:

– France
– Germany
– Italy
– Ireland
– Netherlands
– Belgium
– Austria
– Sweden
– Finland
– Switzerland
– Baltics
– Bulgaria
– Romania
– Croatia
– Turkey
– Iran
– Israel
– Saudi Arabia
– Kuwait
– El Salvador

Facebook Comments