Nagdulot ng pagkatakot at pangamba sa mga Pilipino sa United Kingdom (UK) ang nadiskubreng bagong strain ng COVID-19, ayon sa Philippine Embassy sa London.
Ayon kay Consul General Arlene Macaisa, mayorya ng mga Pilipino sa UK ay hindi na lumalabas ng kanilang tahanan bilang pag-iingat sa posibleng pagkahawa sa sakit.
Binalaan naman ng Philippine Embassy sa UK ang mga Pinoy na sumunod sa mga ipinatutupad na guidelines at iwasang magtungo sa mga matataong lugar.
Sa ngayon, umabot na sa 30,000 hanggang 35,000 kada araw ang infection rate sa London.
Facebook Comments