BAGONG STYLE | DepEd hinimok ang mga guro na baguhin ang istilo ng pagtuturo

Manila, Philippines – Walang nakikitang masama ang Department of Education (DepEd) kung gagawing kakaiba ng mga guro ang kanilang istilo ng pagtuturo sa mga kabataan o yung mga tinatawag na millennial students.

Sa gitna ito ng mga tanong kung akma pa ba ang istilo ng mga guro sa modernong teknolohiya o makabagong panahon.

Ayon kay Education Assistant Secretary Nepomuceno Malaluan maaaring gumawa ang mga guro ng bagong style o teknik sa kanilang pagtuturo.


Tulad na lamang ng pag-uugnay ng kanilang lesson plan sa kasalukuyang nangyayari sa lipunan gayundin yung mga nakikita sa telebisyon at social media.

Sinabi pa ni Malaluan na masyado kasing curious ang mga kabataan kung kaya at dapat makasabay dito ang mga guro.

Mabilis din aniyang maimpluwensyahan ang mga kabataan ngayon kung kaya at malaki rin ang papel mg media partikular na yung mga nasa entertainment industry na madalas i-idolo at gayahin ng mga millennial.

Sa kabila nito dapat maisingit parin ng mga guro yung tamang asal o yung values education.

Una na ngang umapela ang DepEd sa higher education institution na repasuhin narin ang curriculum sa mga student teachers o yung mga nag-aaral pa lamang na maging guro para maisabay ang istilo nila ng pagtuturo sa pagbabago ng panahon.

Facebook Comments