Planong magtayo ng substation ng Philippine Coast Guard sa mga government-owned na lote sa kahabaan ng dalampasigan sa Lingayen Beach.
Sakaling maisakatuparan, magbibigay ng karagdagang proteksyon sa komunidad ang itatayong opisina.
Hangad din na mapalakas pa ang pagbabantay at seguridad sa mga baybayin maging ang pagresponde sa mga sakuna.
Samantala, nagpapatuloy naman ang paglalagak ng sheet pile sa bahagi ng Lingayen para sa itatayong sea wall hanggang sa harap ng capitol grounds. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









