Bagong Supreme Court Associate Justice Midas Marquez, 15 taong manunungkulan bilang mahistrado

Tinatayang aabot sa 15 taon ang panunungkulan bilang mahistrado ni bagong Supreme Court Associate Justice Jose Midas Marquez.

Ito ay dahil sa 55-anyos pa lamang si AJ Marquez kung saan ipinanganak ito noong Pebrero 16, 1966.

Kahapon, pormal nang nanumpa bilang associate justice ng Supreme Court (SC) si Marquez sa harap mismo ni Chief Justice Alexander Gesmundo.


Si Marquez ay ika-192 associate justice ng Korte Suprema.

Pinalitan ng dating court administrator at dating tagapagsalita ng Korte Suprema si Justice Edgardo L. Delos Santos.

Facebook Comments