Bagong tagapagsalita ng OVP na si dating Trade Sec. Ruth Castelo, tiniyak na hindi magiging attack dog ni VP Sara

Tiniyak ng bagong Office of the Vice President o OVP spokesperson na si Atty. Ruth Castelo na hindi ito magiging personal na tagapagsalita ni Vice President Sara Duterte kundi magiging tagapagsalita ito ng opisina ng pangalawang pangulo.

Sa press briefing na ipinatawag ng OVP, sinabi ng dating Trade undersecretary sa administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na hindi rin ito magiging attack dog ng bise presidente.

Nangako itong hindi magbabato ng putik sa Marcos administration at magtatrabaho lamang para sa mga nagawa at programa ng OVP.

Samantala, tiniyak naman ni Castelo na gumagana pa rin ang opisina ng pangalawang pangulo sa kabila ng mga batikos na madalas ay wala sa bansa si VP Sara.

Kung maaalala, sa ngayon ay nasa The Hague sa Netherlands ang bise presidente para dalawin ang amang nakakulong sa International Criminal Court o ICC dahil sa kinahaharap na kasong crimes againts humanity.

Facebook Comments