BAGONG TALAGA | Balasahan sa Bureau of Customs, kasado na

Manila, Philippines – Limang bagong opisyal ang itinalaga ng Bureau of
Customs bilang bahagi ng major reshuffling para ma-improve ang koleksyon ng
ahensya.

Ayon sa BOC, kasama sa mga bagong talaga ay si Carmelita “Mimel” Talusan na
dating District Collector ng Port of Subic na ngayon ay magiging district
collector na ng Ninoy Aquino International Airport.

Sa Port of Zamboanga naman, itinalaga bilang bagong mga district collector
ang mga abogadong sina Ma. Liza Sebastian ng Revenue Collection Monitoring
Group at Lyceo Martinez ng compliance monitoring unit.


Pinalitan ng dalawa sina dating Surigao Collector Lilibeth Mangsal at
Zamboanga Collector Jesus Balmores.

Ayon kay Customs Commissioner Isidro Lapeña, inalis sa pwesto ang mga
dating kolektor matapos na hindi naabot ang target collection para sa buwan
ng Pebrero.

Pero, ang ilang mga collector ay ni-reassign hindi dahil sa pangit na
performance kundi para humawak ng mas malaking trabaho.

<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>

Facebook Comments