Kumpiyansa si Senator JV Ejercito na madaling makakalusot sa Commission on Appointments (CA) ang bagong talagang si National Defense Secretary Carlito Galvez Jr.
Ayon kay Ejercito, may integridad si Galvez na humawak ng iba’t ibang posisyon sa pamahalaan.
Patunay aniya rito ang maayos na pagganap ni Galvez bilang AFP Chief of Staff noon at ang matagal na panahong pagkakatalaga nito sa peace process.
Dahil dito, umaasa si Ejercito na madadala ng kanyang personalidad at karakter na pagisahin ang AFP sa kabila ng mga isyu.
Naniniwala naman si Ejercito na wala dapat ipangamba ang Pangulo kaugnay sa kumakalat na balita ng gusot sa hanay ng militar.
Para sa mambabatas ang mga lumalabas na usapin sa AFP ay posibleng epekto lamang ng unang taong implementasyon ng batas patungkol sa fixed term ng mga matataas na opisyal ng hukbong sandatahan.
Dagdag pa ni Ejercito, nasa poder na rin ng pangulo ang pagapalit ng liderato ng AFP at DND.