Bagong talagang Executive Sec. Ralph Recto, ayaw magpatawag na “little president”

Iginiit ng bagong talagang Executive Secretary Ralph Recto na hindi siya dapat na ituring na “little president”.

Sa panayam kay Recto sa gitna ng budget deliberations sa DOF, sinabi ng outgoing Finance Secretary na nasorpresa siya sa anunsyo at hindi pa sila nagkakausap ng pangulo dahil abala sa budget.

Pero iginiit niya na ang kaniyang papel ay hindi para maging little president dahil hindi naman siya makagagawa ng himala sa kinakaharap na mga isyu.

Magsisilbi aniya siyang taong bahay sa Palasyo kung saan ang kaniyang magiging papel ay paghusayin ang serbisyo ng gobyerno, tiyaking mabilis ang pagkilos ng mga ahensiya at siguruhin na masusunod ang Philippine Development Plan.

Nagpasalamat naman si Recto sa tiwala at kumpiyansang ibinigay sa kanya ni Pangulong Bongbong Marcos at batid niyang mabigat ang kaniyang magiging tungkulin sa pamahalaan.

Facebook Comments