Bagong talagang kalihim ng DA, agad nanumpa kay PBBM sa Malacañang

Nagtalaga na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., nang bagong kalihim ng Department of Agriculture (DA) sa katauhan ni Francisco Tiu Laurel Jr.

Sa press briefing sa Palasyo ng Malakanyang, inanusyo mismo ng pangulo ang pagtatalaga kay Laurel bilang kalihim ng DA.

Agad namang nanumpa si Laurel sa harap ng pangulo sa Palasyo ng Malakanyang.


Sa mensahe ng pangulo sa oath taking ceremony, sinabi nitong panahon nang magtalaga ng bagong kalihim ng DA na iintindi at tutuon sa problema sa sektor ng agrikultura.

Ayon pa sa pangulo, kumpyansa siya na maiintindihan ni Laurel ang problema sa agrikultura at mabibigyan ng solusyon.

Sinabi pa ng pangulo na in-appoint niya ang sarili niya bilang kalihim ng DA dahil naniniwala siyang maraming bagay na magagawa ang pangulo sa sektor ng agrikultura.

Pero ngayon panahon nang matutukan ang DA nang bagong kalihim.

Si Francis Tiu Laurel Jr., ay dating presidente ng Frabelle Fishing Corporation, dating chairman ng World Tuna Purse Seine Organization at miyembro ng private sector advisory council agriculture sector group.

Facebook Comments