Matapos maitalaga bilang bagong pinuno ng Philippine National Police, agad na pinulong ni PNP Chief PGen. Rommel Francisco Marbil ang matataas na opisyal nito ngayong umaga sa pamamagitan ng kauna-unahan niyang Command Conference.
Dito, inaasahang ilalatag ni Marbil ang kaniyang mga direktiba sa mga opisyal ng PNP at kung ano ang direksyon na nais tahakin sa ilalim ng kaniyang liderato.
Nabatid na isusulong nito ang ‘Oplan MARBIL’ o Mobilization of Resources and Manpower; Advancement of Technology for Law Enforcement; Reinforcement of community relations at cooperation; Boosting of intelligence gathering capabilities; Implementation of effective crime prevention strategies at leadership development and training for officers and personnel.
Sa marching order ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kay General Marbil nais nitong paigtingin pa ang kampanya kontra krimen, iligal na droga, cybercrime trans-national crime, at terrorismo.
Samantala, inaasahang haharap si Marbil sa media para sa kaniyang kauna-unahang presscon pagkatapos ng nasabing Command Conference.