Lumikha ang Korte Suprema ng dalawang bagong tanggapan Para lalo pang mapalakas ang integridad at maiwasan ang katiwalian sa sangay ng Hudikatura.
Sa pamamagitan ng En Banc Resolution No. 18-01-5, inaprubahan ng Kataas Taasang Hukuman ang rekomendasyon ng Technical Working Group sa paglikha ng Judicial Integrity Board at Corruption Prevention and Investigation Office.
Ang JIB ang tututok sa mga reklamo sa mga tiwaling Justices, Judges at court personnel.
Binubuo ito ng Chair, Vice Chair, at 3 appointed na regular members na may 3 taon na termino.
Ang Chair at Vice Chair ay kailangang retired Justices ng SC habang ang 3 regular members naman ay dapat retired justice ng Court of Appeals, Sandiganbayan at Court of Tax Appeals.
Ang CPIO naman ay ang syang magsasagawa ng lifestyle check sa kanila.