Not once, but twice na nagningning at napuno ng kulay ang kalangitan sa Alaminos City sa pagsalubong ng Bagong Taon dahil sa kanilang mga Fireworks Display.
Kasama ang mga kaibigan at pamilya, sama-samang sinalubong ng mga Alaminians ang taong 2026 sa dalawang Fireworks Display na handog ng Pamahalaang Panlungsod ng Alaminos.
Matapos ang New Year’s Eve mass bago mag alas diyes ng gabi ay tila umulan ng blessings rin ang kalangitan sa magandang Fireworks Display sa St. Joseph Cathedral Parish.
Na enjoy ito ng mga church goers kalakip ang kani-kanilang panalangin para sa taong 2026.
Hindi pa natapos diyan ang surpresa dahil sa New Year countdown sa Lucap Wharf ay muling nagkakulay ang madilim na kalangitan hatid ng Fireworks Display na sinabayan pa ng awit at indak mula sa mga residente at bisitang sinaksihan mismo ito ng personal.
Ang mga simpleng entertainment na tulad ng Fireworks Display ay isang paraan lamang upang salubungin ang bagong taon na may pangako ng bagong pag-asa para sa buhay ng bawat isa. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










