
Masayang sinalubong ng mga residente at bisita ang Bagong Taon sa ginanap na Fireworks Festival sa Open Grounds ng Roxas Boulevard sa San Carlos City kahapon, Enero 1, 2026.
Mula alas-sais hanggang alas-nuwebe ng gabi, dinagsa ng mga pamilya at magkakaibigan ang lugar upang masaksihan ang makulay na fireworks display na nagsilbing unang malaking selebrasyon ng lungsod para sa bagong taon.
Ayon sa lokal na pamahalaan, layon ng taunang fireworks festival na magbigay ng ligtas at masayang alternatibo sa pagsalubong ng Bagong Taon, habang pinaparamdam din ang diwa ng pagkakaisa at kasiyahan sa komunidad.
Naging maayos naman ang daloy ng selebrasyon sa tulong ng mga nakatalagang personnel na nagbantay sa kaayusan at kaligtasan ng publiko sa buong programa.








