Monday, January 19, 2026

Bagong task force ng PNP na tututok sa muling pagpapatupad ng oplan tokhang, pormal nang ilulunsad bukas

Sa Lunes, pormal nang ipakikilala ng Philippine National Police ang bagong Anti-Drugs Unit na hahawak sa pagbabalik ng oplan tokhang.

 

Ito ay ang PNP Drug Enforcement Group (P-DEG) na pangungunahan ni Sr/ Supt.  Graciano Jaylo Mijares, ang deputy regional director for administration ng PRO Central Luzon.

 

Si Mijares ay miyembro Maringal Class ’88 ng Philippine Military Academy at nanungkulan Presidential Anti-Ogranized Crime Task Group.

 

Nagpasalamat naman si Mijares dahil sa ikalawang pagkakataon ibinigay sa PNP na muling manguna sa mga anti-illegal drugs operation.

 

Kaugnay nito, handa na aniya niyang gampanan ang kanyang trabaho at nangakong hindi bibiguin si Pangulong Rodrigo Duterte.

Facebook Comments