Makakabagon muli ang mga negosyo mula sa epekto ng COVID-19 pandemic sa tulong ng ikalawang package ng tax reform program ng pamahalaan.
Ayon kay Trade Secretary Ramon Lopez, ang Corporate Reform at Tax Incentives for Enterprises Act ay ibababa ang corporate income tax rate mula 30% patungong 25%.
Layunin ng tax program na makapagbigay ng competitive incentive para makaakit ng mga bagong investors.
Sinabi rin ni Lopez na patuloy ang pagbuo at pagtatayo ng ilang strategic projects tulad ng 60,000 kilometer nationwide fiber optic network, manufacturing support facilities para sa ikatlong telco at satellite-based connectivity solutions.
Bukod dito, patuloy rin ang paghahatid ng tulong ng Pamahalaan sa mga apektadong negosyo lalo na sa micro, small, at medium enterprises.